xpresslink


Guest

/ #210 Re:

2011-08-04 13:01

#18: -

gusto po sana naming humingi ng tulong sa nangyari sa aking kapatid na si Gerardo V. Pantaleon, 40 anyos,na binugbog sa loob ng barangay hall. nApagbintangan po siyang umihi sa loob ng hall. Noong siya'y binubogbog sa loob ng hall kinandado ng utility man/tanod at sinabi umano nga taong nagsara na, "Patayin na yan." Ang nasa loob noon ay ang Barangay Kagawad na si Mandy de Leon alyas Joaquin, Brgy. Tanod Carpio de Vera at isa pang tanod na ang apelyido ay Itchon. 'Yong utilityman/tanod ay si Jose Cendana.

Ang buong pambubugbog ay nasaksihan mismo ng asawa at stepdaughter. Ito ay nagyari noong July 17, 2011, Sunday around 8:30-9:00 pm, sa Barangay Hall ng Brgy. Bantayan, Mangaldan, Pangasinan.

Ang aking pong kapatid ay lasing na lasing noong mangyari ang insidente. Paggising niya sa sumunod na araw, sinabi niya sa asawa niya na sobrang sakit ng ulo at katawan niya. Sinabi ng asawa niya na nabugbog siya noong nakaraang gabi. Natigilan siya ng bahagya at nasambit ang, "P_____ ina!Si Joaquin."

Lumabas siya para uminom sa pagaakalang hangover lang. Maaaring hindi na niya matiis ang sakit na nararamdaman kaya umuwi na lang at nahiga, mag 9:00-10:00 am Monday, July 18, 2011. Simula noon di na siya bumangon.

July 19, 2011, Tuesday, mga 8:00 am, di na magising ng asawa si Gerardo, di na siya nagreresponse, parang under coma. Tinakbo agad sa ospital ngunit binawian din ng buhay noong July 20, 2011, Wednesday 9:00am.

Gusto po sana naming humingi ng tulong para makapagsampa ng kaso para mabigyan ng hustisya ang ginawa sa aking kapatid.

Ako po si Gaspar V. Pantaleon ng 150 Guiguilonen, Mangaldan Pangasinan. Ang akin pong contact number ay 09494125140.

Umaasa po ako sa inyong agarang tugon.

Alam ko pong kayo lang ang makakatulong sa amin.