xpresslink

concern citizen of bantayan, mangaldan, pangasinan

/ #211 Re: Lasing na naNapagbintangang umihi sa loob ng Brgy. Hall binugbog, namatay!

2011-08-04 13:18

#18:

Isang Brgy. Kagawad na nagngangalang Mandy de Leon, alyas Joaquin, ang umano'y walang awang nambugbog sa isang lasing na nagngangalang Gerardo Velasquez Pantaleon, 40 anyos, may asawa at may limang anak, na kalaunan ay namatay.

Binugbog ng Brgy. Kgd. ang biktima sa loob mismo ng barangay hall noong July 17, 2011. Kinandado umano ang brgy. hall habang nagaganap ang pambubugbog sa loob. May kasama diumano ang kagawad na dalawa pang brgy. tanod, sa loob; ang isa sa mga ito ay may pag-aari pang batutang yari sa bakal.

Nasaksihan ng asawa at anak ang buong pangyayari. Wala man lang umawat sa nagyayari.

Hindi lang ito ang unang pagyayari. Noong mga nakaraang taon, mayroon na ring pinatay sa pambubugbog sa harap mismo ng eskwelahan sa nasabing barangay.

ito po ay sa Brgy. Bantayan, Mangaldan, Pangasinan