xpresslink

Quoted post


Guest

#82

2011-05-28 13:40

Isa din po ako sa mga taong naloko ng xpresslink cargo na ito. Ako po ay nagpadala ng 2 box sa kanila noon pa pong Nov. 6, 2010 at may tracking number na 04724. Hanggang ngayon po ay hindi pa rin nkakarating sa amin ang kahong ito. Tuwing tatawagan ko nman po ang kanilang opisina ang lagi lang pong sinasabi ni Sam ay "next week marerelease" at nung maglaon " inaayos na po". Tama ang sabi ng isang kabayan d2, buti nalang hindi nauubos ang araw sa kalendaryo. May nakuha din po ako noon na number ng forwarder nila sa pilipinas at pinatawagan ko sa mother ko pero ang sabi sa kanya inabandona na daw yung container na naglalaman ng kahon ko. Ano po ba ang dapat gawin? May pag-asa pa kayang mabawi yung mga kahon natin? If not, may makukuha po ba tayo bilang compensation sa kahon nating hindi na dumating?

Replies